Image

Amihan

Sa kabila ng madilim at masalimuot na gabi
Ramdam ko ang ihip ng iyong pagtangi
Lamig na dumadampi sa’king nag-aalab na katawan
‘Di ko maaaring itanggi ang iyong paghagkan.

 

Saglit mang panahon na ika’y aking nakasama
Nais kong maipaalam na ako’y iyong pinaligaya
Hanggang sa muli, na tayo’y magkita
Mahal kong sang’greng puno ng pagsinta.

#Balagtas

Advertisements