“Bike-Ku”

Isang pi-ku (haiku na naaayon sa π) tungkol sa mahal kong bisikleta.

Itong munting tula ay aking ginawa noong 2015, sa araw ng π (Pi day, 3/14/15). 🙂

 

———

 

Pagsikad
sa
Bisikleta
ay
Isang Ginhawa

 

Sa bawat
beep
ng busina,
UY!
Nakakatuwa!!

 

Sa bawat
C
ay 2-π-r
ng
Gulong ng Buhay.

 

Tuloy lang
ang
pagpadyak ko
sa
hanging malinis

 

at, tungo
sa
mas maganda
at
bayang sagana!

 

(Happy Pi Day! )

Advertisements
Kabilugan ng buwan. (image courtesy of Mr. Marius De Guzman)

Oda kay Luna

Kabilugan ng buwan. (image courtesy of Mr. Marius De Guzman)

Kabilugan ng buwan. (image courtesy of Mr. Marius De Guzman)

Lagpas ka man sa aking hawak
Hanggang tanaw lang ng aking mga mata
Isa kang banal na tanglaw dito sa kadiliman
Liwanag na humuhugas sa lahat ng karimlan

Mga kapintasan mo’y hindi nababatid
Sapagkat sa kabiluga’y isa kang obra ng langit
Ipinadala’t hinulma ng Poong Maykapal
Handog sa tagalupang kanyang minamahal

Ang rikit mo Luna, aking nakikita
Sa kabila ng katotohanang ika’y di magtatagal pa
Lilisan din kalaunan; aking mamatyagan
Muli mong pagbabalik, upang muli kang maawitan.